January 15, 2006
masakit pala talagang manakawan. yung tipong unang tingin pa lang pakiramdam mo na sa yo yun. pero di ka sigurado. tapos nung napanood mo parang gripo na ang mata mo kahit alam mong hindi ka naman iyakin. yung tipong nasa byahe ka na pauwi pero halos di mo na makita ang daan at gumegewang ka ng magmaneho sa sobrang kakaiyak. syempre alam kong wala naman akong mahahabol dahil storyline lang yun, di naman script.
pasensya na sa mga makakabasa lalo na yung maaaring isipin na walang kwenta ang isang email na puno ng "angst" katulad nito. sana maintindihan ninyo. kinailangan ko lang maglabas ng sama ng loob kahit sa ganitong paraan. i have to release this pain coz it's getting me really depressed. lalo na alam ko wala naman akong ibang magagawa. masama talaga ang loob ko. pero sino nga ba naman ako para maghabol. in fact, madali namang sabihin na nagkataon lang. siguro nga nagkataon lang na pati plotpoints pareho, may pangalan na pareho, ang lugar pareho, ang turning point pareho, ang characterization pareho at naiba lang ang trabaho ng characters, ang background at nangyari sa pamilya malaki ang pagkakapareho. siguro nga talagang nagkataon lang. ganun ang gusto kong isipin para mabawasan yung sakit. it's like tearing my heart everytime i remember what i saw. pero pano kung ni-rarationalize mo ang mga pangyayari at talaga namang lumalabas na may ninakaw sayo? at marami ka ng nabalitaan na may mga nabiktima na rin ng ganito. sa kapraningan ko inemail ko pa sa sarili ko at hindi binura yung email na may attachment kasi hindi ko naman kayang maipa-copyright yung gawa ko. tapos chineck ko pagkatapos kong mapanood at may iba pa palang detalyeng kinuha. sana yung kapraningan ko mas pinakinggan ko dahil pakiramdam ko maaaring gayahin yun tulad ng nabalitaan ko na ginawa nila sa iba. sayang, mas pinili ko ang posibleng oportunidad na kalakip ng pagpapakita ko ng pinaghirapan ko.
kahit naman mag-ingay ako wala rin namang mangyayari. mga piling malalapit na kaibigan ko lang ang nakakaalam kung ano at sino at paano. sabi nga ng isang kaibigan, langgam lang akong magpapatapak sa higante kung mag-iingay. alam ko naman yun. pero sa sobrang sama ng loob siguro naman kahit magsulat lang ng ganito para maibsan yung nararamdaman ko at hindi naman ako mabaliw at matrauma sa pag pitch ng mga konsepto e ok lang. siguro naman hindi masamang mailabas ko pa rin to kahit sa ganito lang.
wala akong sasabihing detalye kung ano, sino, paano. wala rin namang mangyayari except ako ang mapasama. wala naman akong mapapala kung gagawa ako ng tipong showbiz issue. yung para bang mapagbibintangan kang gumagawa ng ingay para mapag-usapan at sumikat. malinis ang konsensya ko. kayod kalabaw kumita lang sa marangal na paraan na hindi nagnanakaw.
sigurado ko na kahit isa na involved ay makababasa nitong email na to, maaari rin na maforward sa ibang involved. sigurado ko dun. wala naman akong hahabulin e. kasi nangyari na. naglalabas lang po ng sama ng loob at intayin nyo na lang ang karma nyo.
ang hirap talaga ng hindi ka mayaman. yung halos duguin ka na sa kakatrabaho at kadalasan kailangan pang magpaalila sa iba't-ibang klase ng mga kapitalista para lang matustusan ang mga gastusin sa araw-araw. hindi mo magawa ang gusto mong klase ng trabaho. pag artist ka, kung wala kang koneksyon, enough PR slash plastic skills at hindi mo kayang mag-full blown puta talagang mahihirapan ka. hindi mo naman kayang mag-antay na lang ng grasya sa trabahong gusto mo kung magugutom ka naman. so sa mga kapitalista rin ang bagsak mo. ni hindi mo magawang matapos ang mga indie projects mo.
but these things won't stop me from doing things that i love to do. makaipon lang ng tama makakagawa at makakabalik din sa pagtulong sa mga indie productions. andun ang fulfillment. sa ganitong pangyayari, isipin ko na lang - malay ko ba kung makagawa pa ko ng mas magandang istorya o kahit isang tula o kanta dahil sa sakit na nararamdaman ko.
payo ko lang sa mga estudyante, fresh grads at kahit sa mga mas nakatatanda na na naghahanap ng trabaho, ingat sa pagpasa ng mga konsepto, istorya at kung anumang ideya lalo na pag pinaghirapan nyo. malupit ang mga higante lalo na kung hindi ka nag-iingat.
anong pakiramdam pag nakasakit ka ng iba? o hanggang kailan ka magiging manhid at gahaman?
God bless.
Rianne
-
No comments:
Post a Comment